| |
BANAL NA SALITA
Mga minamahal Kong kapatid sa AMA,nais nyo ba ng kaligtasan? Nais nyo ba ang kagalakan? Nais nyo ba ang kapayapaan? Nais nyo bang makamtan ang kaluwalhatian? At mapuspos ng Espiritu Santo? Hanapin AKO at masusumpungan nyo, kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. Magsisi kayo sa mga kasalanan upang patawarin kayo. Talikdan ng ganap at wag na muli pang balikan at gagawin ang napagsisihan na. Oh! Kay buti ng AMA, mapagmahal SIYA! Mapagkalinga, mapagbigay, mapagpatawad, mapagparaya, mapagpakumbaba, mapagmahal. Lumapit kayo sa Akin, AKO ang daan ng katotohanan patungo sa kaluwalhatian. AKO ang buhay. AKO ang kaligtasan. AKO ang buhay na walang hanggan. Sa Aking kaharian ay maraming silid. Bubuksan ng AMA ang kalangitan, upang papasukin ang marapat itahan, manahan at KANYAng paghaharian. Hanapin nyo ang tuwid na landas na alay KO at tumahak kayong ganap at wag na mawalay pa sa landas na matuwid na iniaalay KO. Tumahak kayong ganap at wag ng malihis pa. AKO ang kasama at kaagapay nyo sa buhay mula noon magpahanggang ngayon, at sa mga daratal pa na panahon. AVE MARIA PURICIMA!
-----------------------------------------------------------------
Mga mahal Kong kapatid! Sumainyo ang kapayapaan! Sa oras ng kagipitan huwag matakot kailanman. Kung kayo ay sumasa Akin, Ako ay sasainyo rin at ang lakas, tatag, galak, kapayapaan, pag-asa, liwanag ay maidudulot Kong ganap. Sapagkat walang dili't ibang kaligtasan maliban sa Akin. Kaya nga kayo ay pasakop at masasakop Ko. Sumukong ganap at mapaghaharian Ko at yan ang tuwina'y habilin ng AMA: Manalig, manampalataya kayong ganap mga anak Ko. AKO'y kilalanin nyo at madarama nyo ang pagmamahal KO sa inyo. AKO ay walang katapusang liwanag. AKO ang walang hanggang magmahal. AKO ay AKO nga Alpha at Omega. AKO ang pasimula at AKO rin ang wakas ng tao sa lupa. Mahal na mahal KO kayo! Pagnilayan nyo ang salita KO sa inyo. AVE MARIA PURICIMA!!! Panalanging walang humpay gawin nyong marapat tupdin bawat araw, malulugod ang AMA, mahahabag SIYA. Ang panalangin ng matapat at nagiging ganap ay dinirinig, kaya bilang mga hinirang tuparin layunin KO at handog KO'y gamitin. Matitigib ng galak ang matapat sa AKIN, magtatagumpay na ganap.
-----------------------------------------------------------------
Pagmulat ng mata sa umaga, purihin ang AMA, twina'y galak sa KANYA. Ang lahat ng problema, SIYA nagpapahintulot sa tao na maganap upang matutuhan at makilala ang salita at kapangyarihan ng salita NIYA.
"Lumapit kayo sa AKIN, AKO ay AKO nga, ang ALPHA at OMEGA, ang UNA at WAKAS ng buhay ng tao sa lupa.AKO ang lumikha ng langit at lupa, ang lahat ng aking nilikha bago KO nilikha ang tao sa lupa.Kung ang lahat ay batid mo tao,na AKO ang lumikha sa lahat ng nabuhay sa balat ng lupa maging sa katauhan mo.
Bakit hindi sa AKIN ay magtiwala,sa twina AKO ay may magagawa,kung paano AKO ay gumawa sa bawat araw hanggang maging bilang ay 6 na araw , ang AKING pagtakda ay nahahalintulad sa AKING paglikha at paggawa, tulad ng bawa't araw kung pagpapatunay na sa bawa't araw may takda AKONG magagawa sa mga tao sa lupa.
Kaya mga mahal ko, kilala nyo ba AKO?Kilalanin nyo AKO, AKO ay AKO nga na sa inyo ay nagmamahal, lumilingap,naghahan dog,tumat anglaw, nagpapalakas, nagpapala, nagpaparaya, umuunawa, nagpapatawad, bumubuhay.AKO ang inyong sandigang di natitibag, san digang matatag at di nagwawasak ng pagsasama ng sino man, kundi bumubuo at ang dulot kong galak at kapayapaan ay di kayang bilhin, hiramin, agawin, o nakawin,sapagka' t AKO ang tunay at wagas at malinis magmahal.Ang magagawa KO ay di ninyo kayang gawin, ang salita ko ay walang pagkabula.
Halina mga mahal KO kilalanin ninyo ang AKING ESPIRITU, binaba KO na sa lupa upang ang maghanap ay makasumpong na ganap at ang matanglawan ay magliwanag na ganap.Babae at lalaki, bata at matanda babahaginan KO upang makilala AKO ng mga naghahangad na ganap at ang mga tapat ay magagalak, ang mga nagpapakatotoo ay magtatagumpay na ganap.
Mahal na mahal KO kayo! Ave Maria Puriscima!
-----------------------------------------------------------------
Ang patnubay ng AMA ay sumainyong lahat mga kapatid sa ESPIRITU at pananampalataya sa AMA! Ano nga ba ag paghahandog? Maraming uri ng paghahandog.May tinatawag na handog sa kasal, kaarawan ng pagsilang, subali't ang paghahandog ng buhay sa AMA ay malaking pagkakaiba. Sapagka't kung ang pahiram na buhay NIYA ay ganap na ihahandog sa KANYA nang buong katapatan, kababaan at buong katotohanan mararamdaman ang kaibhan sa normal na pamumuhay. Makikita mo ang lahat, ang pagkukulang sa mga kailangan kaya maghahangad na maghahangad na ito ay mapunan at makamtam. Madarama mo ang pagod, ang lungkot bilang sa pagkatao, maging ang mga alalahanin ay papasok sa maraming kaparaanan dadayain ka ng diablo upang maagaw ang kaisipan sa mga pangmundong gawa at makalamang hangarin at adhikain.
Mga Mahal Ko subukan ninyong ialay o ihandog bawa't araw sa AMA, sapagka't SIYA ang nakakakilala sa mga anak NIYA.SIYA rin ang nakababatid ng bawa't kailangan ninyo at makadadama kung nalulumbay o nalulungkot kayo! Nakakikita kung nahihirapan kayo!
Kaya nga mga Mahal ko, pagod ka na ba at sawa na sa pang-araw-araw mong gawa at paghahanap sa buhay, subali't di ka nakadadama ng kapayapaan,kuntento sa buhay, galak ng kalooban?Lumapit ka sa AMA, kilalanin mo SIYA sa mga mabubuting nilikha NIYA na iba't ibang uri ng hayop,puno, halama't, isda at ibon. Sa kalikasanan naman ay ulan, hangin, lindol at ipu-ipo na naipadadatal sa mundo. Mga bituin,araw at buwan sa langit na ang mga ito ay nagawa NIYA sa kapangyarihan NIYA.Ano pa kaya ang mga kailangan mo at lakas na di gawing ialay sa inyo.
Kung ang sa bawa't araw ninyo ay kikilalanin, hahanapin upang masumpungan at kamtin ninyo at madama ang pangangalaga, pagmamahal at pagpapahalaga NYA sa inyo. Sa patnubay ng ESPIRITU SANTO pangalang JESUS mga mahal ko, matitigib kayo ng pag-asa,galak, lakas, liwanag upang makayanan ninyo ang tukso at malayo kayo s pagkakasala at matutong sa bawa't araw ay magmithing makagawa ng karapat-dapat sa pananaw ng AMA. KAya kalooban at kaisipan ay di lamang sa paglilibang, pagkain,paghahanap-buhay at trabahong pang tahanan ang gagawin ninyo, kundi magkaoras kayong twina ay manalangin, sumamba at magpuri sa Banal NIYANG pangalan. YAHWEH...JEHOVA ang tawag ng tao. Ano mang pagkakaalam mo sa pangalan NIYA, igalang, sambahin nang may katapatan, buong galak at makatotohanan kayo'y KANYANG diringgin. AMEN!!! MAHAL NA MAHAL KO AYO mga KAPATID KO!!!AVE MARIA PURISCIMA!!!
Nawa ang pagkakasumpong sa salita ng AMA na idinaratal NIYA ay magharing ganap sa buo ninyong katauhan mula ulo hanggang talampakan. ESPIRITU SANTO ay ganap makilala ninyo at matanggap mga Mahal Ko. Galak at liwanag ay sumainyong lahat. Kalakip nito ang PAG-IBIG at sumainyo ang KAPAYAPAAN mga Mahal Ko. AVE MARIA PURISCIMA!!!
-----------------------------------------------------------------
Ano nga ba ang nagugunita mong lumbay sa buhay bilang tao kung kapiling mo ang AMA?Wala! sapagkat di na magkakapuwang ang lumbay na nagaganap sa buhay kung ang AMA ang kapiling ng bawat likha NYA.
Ang AMA ay galak at kailan man ay wala SIYANG dulot na lumbay sa puso NYA.Kayo lamang tao ang natatalo.Ang tao ay nadarama ang lumbay sa puso niya kung siya ay natatalo ng mga alalahanin, ng galit sa puso, takot at dito nagmumula ang lumbay.
Kaya tao hinahamon ko kayo bilang Espiritu Santo ng galak,liwanag, tatag,lakas at tapang.Halina mga mahal KO makisaliw kayo sa hain KO, makisalo kayo sa dulangan KO at mabubusog kayo! Sapagka't may dala AKONG kabusugan sa bawa't putaheng handog KO,timpladong- timplado, lutong di hilaw at malambot,kundi katamtaman ang bawa't luto, tamang-tama sa panlasa ng taong nangangailangang busugin.Tumikim kayo at magugustuhan ninyo.
Bakit ang bawat araw ay ginugugol ninyo sa kaabalahanan sa paglutas ng mga problema ninyo, sa paglilibang, paghahanap-buhay, pagsusugal, paghahangad ng iba't ibang layaw ng katawan, pangangailangan ng katawan, ng pagnanasa sa mga nakalilibang, nakaaaliw pagmasdang bilhin at kainin samantalang katawang lupa lamang ang nabubusog, naaliw at nasisiyahan kaya iyon at iyon din, kapagdaka kulang pa rin ang galak at walang kapayapaan. Bakit mga mahal KO?Sapagkat may kulang, may nagugutom, may nauuhaw....ang inyong kaluluwa na nais kumain, uminom.Paano? Mapapakain at mapapainom ba ito ng gawang makasanlibutan?
Mga mahal KO, hanapin ninyo at masusumpungan ninyo!
Liwanag, galak, kapayapaan, katatagan, kalusugan,pag- asa at buhay na walang hanggan ang dulot KO.ESPIRITU SANTO mula sa AMA at ANAK na sa twina ay nagmamahal at walang sawang nagbabata na ang tao ay akayin sa tamang landas ng buhay.AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO, maghari sa inyo!
AVE MARIA PURICIMA!
DIVINE MERCY, bukal ng Awa at Habag, halikayo, mga mahal KO, AKO ay aliwin ninyo sa namimighating puso KO, sa maraming tinik ng kasalanang sa AKIN ay itinirik ng mga taong mapagpaimbabaw, sinungaling, mapagparatang, matigas ang kalooban,nakikiapid , nagnanakaw, nangungutya, mapanlinlang, nagtutungayaw nang walang humpay, naninira ng kapwa at pumapatay.
Kaya mga mahal KO, ibigin ninyo at sambahin ang AMA ng buong katapatan at katotohanan, sa isip, sa salita at sa gawa.
Mahal KO, di ka ba makausad sa bigat ng pasanin mo sa buhay? Iniwan ka ba ng asawa mo? Ikaw ba ay nalugi sa iyong negosyo?O kaya naman kapatid KO, puro pahirap ng loob ang dinadanas mo sa mga anak mo? O dili kaya ikaw ay bigo sa twina sa paghahanap ng trabaho? Ilang kumpanya na o agency ang napuntahan mo subali't wala pang tumatanggap sa iyo! Bumagsak ka ba sa board exam? o ikaw ba ay naiwan ng boy o girl friend mo? Ikaw ba ay may kaaway na dalahin ng puso mo, na ayaw niyang magpatawad o ayaw mong patawarin?Nais mo bang mag-aral ngunit di kaya ng magulang mo?Naligaw ka ba ng landas dahil kulang ka sa pansin ng mga taong mahal mo na dapat ay nagmamahal sa iyo? Di mo ba madamang mahal o mahalaga ka?
Lahat kayo ay dumadanas ng ganito! Halikayo, mga mahal KO, aaliwin KO kayo. AKO ay masarap kapiling,tanglaw at gabay, patnubay ng inyong buhay!
AKO ang pamatok n'yo.Ialay ninyo sa AKIN lahat ng pasanin ninyo sa buhay, AKO ay AKO nga ALPHA at OMEGA walang katapusan sa lupa!
Ang sino mang kumilala sa AKIN ay magpapakilala AKO, at ang nakakilala sa AKIN at AKO ay tatanggapin ay tatanggap ng kapahingahan sa lahat ng dagok na dumatal sa kanyang buhay. Makakamtam niya ang kapayapaan at kagalakan, sapagka't AKO ang daan sa katotohanan patungo sa kaluwalhatian. Kaya ang sumasaAKIN ay sumasa AMA at ang sumasa AMA ay sumasa AKIN. KAya't ang naghahari sa kanya ay ESPIRITU SANTO.MANGABUHAY KAYO! Mahal na mahal KO kayo. Bilang espiritu sa inyo ay nangungusap.
AVE MARIA PURICIMA...
-----------------------------------------------------------------
"Sumainyo ang kapayapaan!
MALIGAYA at MANIGONG BAGONG TAON sa lahat!
Ang pagpapala ng AMA ay laganap, maraming aanihin, kakaunti ang mag-aani, kaya mga mahal KO halina at makinabang sa handog ng AMA, ganap hanapin ang mga gawa at salita NYA, ganap tumalima sa kagustuhan NYA upang isa ka sa mag-ani sa bukirin NYA. Mahal KO kayo, ang patnubay ay di mawawalay, tao ang humihiwalay. Hindi AKO lumilisan, tao ang di makakita. Hindi AKO nakakalimot, tao ang lumilimot. AKO ay mapagpatawad, tao ay di makapagpatawad na ganap. AKO ay mapagparaya, tao ay di makaunawa. Patuloy nakalahad AKING palad, tao di AKO maapuhap. Kamtin nyo ang alay KO bilang ESPIRITU SANTO nakatanglaw sa inyo upang magliwanag buong bahagi ng katawan nyo. Kumatok ka at pagbubuksan ka, maghanap ka at makasusumpong ka sapagka't AKO ay AKO nga sa inyo ay wagas magmahal. Ang wika nga, ang may pandinig ay nakarinig ang may mata ay nagliwanag. Dulot KO'y buhay na walang hanggan. Sinuman ang sa AKIN ay manahan, kakamtin ang kaluwalhatian. AVE MARIA PURICIMA, mahal na mahal KO kayo!"
|
|