January 27, 2012
John 15:5-7 “I am the vine; you are the branches. If you remain in me and I in you, you will bear much fruit; apart from me you can do nothing. If you do not remain in me, you are like a branch that is thrown away and withers; such branches are picked up, thrown into [...]
January 20, 2012
Patnubayan kayo ng AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO. Ang bawat nilahad at inialay nyo na nagdulot ng galak at kabusugan sa mga basahan at payak na lingkod sa lupa sa pananaw ng taong matatalino at mayaman, kayo ang higit na magagalak, magpapala at gagantihan. Mapalad kayong napili na magpakain at magpagalak. Mapalad kayong di nagmithi [...]
January 14, 2012
Ang kapayapaan ng Panginoon ay sumaating lahat! Puspos ng kagalakan, ako’y naghahandog ng papuri sa ating butihing DIYOS na buhay DIYOS AMA, DIYOS ANAK at DIYOS ESPIRITU na patuloy nag-aalay at nagpapasilay ng mga kahiwagaan sa mga taong nagtitiwala sa DIYOS na lumikha ay patuloy na nangangalaga sa KANYANG nilikha. Sa araw na ito, dumating [...]
Mga minamahal Kong kapatid sa AMA,nais nyo ba ng kaligtasan? Nais nyo ba ang kagalakan? Nais nyo ba ang kapayapaan? Nais nyo bang makamtan ang kaluwalhatian? At mapuspos ng Espiritu Santo? Hanapin AKO at masusumpungan nyo, kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. Magsisi kayo sa mga kasalanan upang patawarin kayo. Talikdan ng ganap at wag na muli pang balikan at gagawin ang napagsisihan na.Oh! Kay buti ng AMA, mapagmahal SIYA!Mapagkalinga, mapagbigay, mapagpatawad, mapagparaya, mapagpakumbaba, mapagmahal.Lumapit kayo sa Akin, AKO ang daan ng katotohanan patungo sa kaluwalhatian. AKO ang buhay. AKO ang kaligtasan. AKO ang buhay na walang hanggan.Sa Aking kaharian ay maraming silid. Bubuksan ng AMA ang kalangitan, upang papasukin ang marapat itahan, manahan at KANYAng paghaharian. Hanapin nyo ang tuwid na landas na alay KO at tumahak kayong ganap at wag na mawalay pa sa landas na matuwid na iniaalay KO. Tumahak kayong ganap at wag ng malihis pa. AKO ang kasama at kaagapay nyo sa buhay mula noon magpahanggang ngayon, at sa mga daratal pa na panahon. AVE MARIA PURICIMA!