|
Testimony by Aprilyn Arceo-Manalac
Papuri sa IYO AMA!
Ako po si Aprilyn Arceo Manalac, pamangkin ni APO CONCHING... Gusto ko lang ibahagi ang aking mga naging karanasan simula pagkabata hanggang sa ako'y nag asawa na. Si Apo Conching ang siyang aking pangalawang Ina, Siya ang nagbibigay sa akin ng pangaral sa tuwing may pagsubok na dumarating sa aking buhay...sa kanya ko lahat sinasabi ang aking mga kahinaan at problema sa kanya din ako kumukuha ng lakas ng loob, napakabait ng tita ko na yan hindi pa man siya kinalulugdan ng AMA puro mabuti ang laging ipinapayo nya sa aming magpipinsan at hanggang siya ay pinagkalooban ng AMA mas lalo ko siyang naging inspirasyon sa pag aaral man.Hanggang dumating ako sa punto na nag-asawa ako, sinuportahan nya lalo ako.
Simula nung ako ay nagbuntis wala akong naging regular doctor o check up, masasabi kong kumukunsulta ako sa OB hanggang sa 3 months ang aking tiyan dahil ako ay nasa Sucat pa, pero nung ako'y namalagi na dito sa tabi nya ipinagkatiwala ko na sa AMA ang aking dinadala, hirap ako sa paglilihi sumisikip ang aking dibdib halos hindi na makahinga, pero nairaos ko iyon sa tulong ng Apo Conching na kinalugdan ng AMA. Walang pag-aalinlangan sa aking dinadala dahil sa haplos lang ng mga kamay nya alam kong nasa maayos ang aking anak, hanggang sa dumating na ang aking kabuwanan tinanong ako sa ospital ba o sa bahay ang sabi ko ay sa bahay dahil mailalabas ko ito ng maayos. Palibhasa unang pagbubuntis kaya ako'y tinatanong habang ako ay nsa paglalabor ang sinasambit ko ay "AMA AMA AMA! IKAW na po ang bahala sa akin at sa aking anak". Galak sa puso ko dahil ako'y inaawitan pa ng MAHAL na INANG BIRHEN. Hanggang sa nairaos ko ang aking anak ng maayos at malusog na sanggol.....
Pero sinubukan muli ako ng AMA ,makaraos ang binyagan ng aking anak na si AK ang bibong bata! Siya ay isang buwan pa lamang, dumumi ng dumumi ang aking anak at halos matuyuan na siya at lubog na ang mata, pero sa tulong ng AMA hindi NYA pinaisip sa amin na iswero ang aking anak dahil lalo lamang itong mahihirapan dahil siya'y sanggol pa lamang non, pero dahil sa KANYA, sa KANYANG kabutihan at sa aming pagtitiwalang lubos ibinigay NYA sa amin ang aking anak ng matalino, mabait at higit sa lahat malusog na bata!
AT sa mga pagsubok pa na dumating sa aking buhay SIYA lamang ang aking kinakausap dahil hindi natutulog ang AMA, pinapawi NYA lahat ng mga sakit sa aking dibdib...DAKILA ka AMA! PINUPURI KITA'T SINASAMBA!!!!
SALAMAT PO!
Read Other Inspiring Stories
|