Testimony by Leonora F. Tuazon

Purihin ang Diyos na Buhay! Diyos Ama,Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo kasama ng Mahal na Birheng Maria.

Taos Pusong pasasalamat para kay Apo Conching at para sa mga Alagad kasama si Sister Maria at mga kasama sa banyusan. Nagpunta po ako kay Apo Conching na napakarami kong sakit. Limang beses na po akong naooperahan kaya sawang -sawa na po ako sa ospital, sa mga duktor at lalo na sa mga gamot na ipinaiinom sa akin araw-araw. Mayroon po kasi akong High Blood, Enlargement of the Heart, Glaucoma, Skin Allergy , 4 na Maliliit na Bukol sa Leeg at Low Grade Carcinoma sa Bladder. Last operation ko po nito lang Oct 22, 2007. Mayroon po akong Bladder Tumor at every 3 months ay nagpapa-cystoscopy ako upang makatiyak na hindi na umuulit ang tumor. At nito pong Feb. 7, 2008 nakita na naman na may tig-2 akong bukol sa leeg -bilateral. Dito na po ako na-down ng sobra. Labis ko pong inintindi ito at inisip ng inisip - worried na baka cancer kaya sa labis na pag-iisip ay sumabay pa ang pagtaas ng aking BP at ang pagsakit ng aking dibdib dahil sa sakit ko sa puso. Nagkulong po ako sa bahay at di ko na halos gustong lumabas pa. Hanggang sa marami po ang nag-advise sa akin na pumunta ko kay Apo Conching at dito daw po ako gagaling. Sa simula po talaga hindi nila ako nakumbinse hanggang sa isang araw ay tumawag ako sa kapatid ko upang idaing sa kanya ang mga karamdaman ko. Sinabi po niya sa akin na pumunta ko kay Apo Conching kasi dito daw po sya gumaling ang matagal na niyang ubo na paulit-ulit at saka wala naman daw mawawala sa akin kung susubukan ko dahil wala naman daw bayad. Nag-isip-isip po ako hanggang sa isang araw ay nasumpungan ko na lamang na narito na ako sa dambana ng Divine Mercy ni Apo Conching. Isang Hipo pa lang po sa akin ni Apo Conching ay kinilabutan ang buo kong katawan mula ulo hanggang paa at napansin ko na lang na nalalaglag ang aking luha. Tunay na napakaganda ng kanyang MENSAHE at talagang tumagos sa buo kong katawan at natanim sa aking isipan. Mula po nuong unang araw na iyon Feb. 29, 2008, nagpunta na po kami rito ng aking mga kapatid araw-araw. Sa unang 3 araw po ay may nakatapal sa leeg ko na dahon ng kataka-taka ayon po kasi sa sabi ng alagad na naghaplos sa akin. Sa ikaapat na araw po ay wala na ang apat na bukol ko sa leeg at natunaw na. Ang akin naman pong BP ay Normal dahil sa iniinom kong mga dahon-dahon at sa matiyagang pagmomonitor araw-araw ni Brother na alagad din ni Apo. Ang akin pong puso na may tapal na dahon ng IKMO ay Normal na rin at hindi na sumasakit. Ang skin allergy ko po sa mga gamot na iniinom ko ay natuyo na dahil sa araw-araw na pagbabanyos sa akin ni Sister Maria. Dahil po dito, hindi ko na iniinom ang anim na klase kong gamot sa bukol, sa HighBlood, sa Puso at sa Allergy. Araw-araw po ay hinihipan ni Apo Conching ang aking mata at hindi na nagluluha tulad ng dati. Magaling na po lahat ang aking mga sakit dahil kay APO Conching na siyang ginamit ng ating Panginoong Diyos na Buhay at sa mga Alagad at kay Sister Maria na siyang ginamit ng Mahal na Birhen sa Banyusan.

TUNAY NGA PONG BUHAY ANG DIYOS NA MAPAGMAHAL SA MGA TAO. Taos puso po akong nagpapasalamat sa lahat, Una sa Panginoon-Diyos AMA, Diyos ANAK at DIYOS ESPIRITU SANTO. Sa Dambana ng DIVINE MERCY at kay APO CNCHING na siyang kinalugdan ng Panginoon at sa mga Alagad dahil sa kanilang pagpapagaling sa aking mga karamdaman , lalo na ang aking SPIRITUAL na pananampalataya dahil na rin sa magagandang MENSAHE ni APO araw-araw na aming napapakinggan. MARAMI pong Salamat at nawa'y marami pa kayong matulungan na tulad ko na nawawalan na ng pag-asa.

Read Other Inspiring Stories

 
Bookmark Us | Back to Homepage | Sitemap
© Since 2001. ApoDivineMercy.com. All Rights Reserved.