Mga Panalangin

Prayers in English

PANALANGIN SA IKATLO NG HAPON

Pumanaw ka, Hesus subalit ang bukal ng buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at karagatan ng awa ay bumugso para sa sanlibutan.  O bukal ng buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos, yakapin  mo ang sangkatauhan at ibuhos mong ganap ang iyong sarili para sa aming lahat.

O banal na Dugo at Tubig na dumaloy mula sa Puso ni Hesus bilang Bukal ng Awa para sa aming lahat, ako ay nananalig sa iyo.

Banal na Diyos, Banal na puspos ng kapangyarihan, Banal na walang Hanggan, maawa po kayo sa amin at sa buong sansinukob. (3x) Amen.

O Hesus, Hari ng Awa, Kami ay nananalig sa Iyo.

Mga Panalangin

ANG ROSARYO SA MABATHALANG AWA
Itinuro ng Banal na Espiritu kay Apo Conching

Sa ngalan ng Diyos Ama, Diyos Anak, at ng Diyos Espiritu Santo. Amen

AMA NAMIN
Ama namin, Sumasalangit ka, Sambahin ang ngalan mo, mapasaamin ang kaharian mo sundin ang loob mo dito sa lupa para ng sa langit. Bigyan mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin mo ang aming mga sala para ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin; at huwag mo po kaming ipahintulot sa tukso at paki-adya mo kami sa lahat ng masasa.  Amen.

ABA GINOONG MARIA
Aba Ginoong Maria! Napupuno ka ng grasya, Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod ka pong Pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus. Santa Maria Ina ng Diyos, ipanalangin mo po kaming makasalanan, ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen.

LUALHATI (dasalin ng tatlong beses)
Lualhati sa Diyos Ama, Diyos Anak, at sa Diyos Espiritu Santo. Kapara nang sa unang-una, ngayon at magpakailan man, magpasawalang hanggan. Siya nawa.

SAMASAMPALATAYA
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.  Sumasampalataya naman ako kay Hesukristong iisang anak ng Diyos,Panginoon nating lahat; nagkatawang-tao sya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipanako sa krus, namatay inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.  Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula ang paririto’t huhukom sa nangabuhay at nangamatay na tao.  Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga santo, sa kapatawaran ng mga kasalanan.  Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga namatay na tao.  At sa buhay na walang hanggan.  Amen.

(DASALIN SA MGA BUTIL NG ROSARYO)

Sa lahat ng butil ng AMA NAMIN ay dasalin ang mga panalangin na ito:

 

 

Ama na walang hanggan, iniaalay ko sa Iyo kaluluwa't katawan ko sa pamamagitan ng anak Mong si
Hesukristo, bilang tagapagligtas ko, daan ng katotohanan patungo sa kaluwalhatian at sa Iyong kaharian

Ama, nananalig kami sa IYO na sa pamamagitan ni Hesukristo ay diringgin Mo ang aming panambitan

 

 

(Sa lahat ng butil ng ABA GINOONG MARIA ay dasalin ang mga panalanging ito.)

 

 

Para sa sala ng sandaigdigan at sa ikapagpapatawad ng lahat ng tao

Kaawaaan Mo kami Panginoon kong Hesukristo

 

 

(Bilang pangwakas ay dasalin ng tatlong ulit ang panalanging ito)

 

 

Banal na Diyos, Banal na puspos ng kapangyarihan, Banal na walang hanggan,

Maawa po kayo sa amin at sa buong sansinukob. Amen.

 

O Hesus, Hari ng Awa, Kami ay nananalig sa iyo.

Sa ngalan ng Diyos Ama, Diyos Anak, at ng Diyos Espiritu Santo. Amen

Mga Panalangin

MGA PAPURI NI SOR FAUSTINA SA MABATHALANG AWA
ANG PAG-IBIG NG DIYOS ANG BULAKLAK, ANG PAG-KAAWA ANG BUNGA!
           
            Pabayaan na ang mga nag-aalinlangan na mga kaluluwa ay basahin aang mga pakundangan na ito sa Mabathalang awa at maging mapagtiwala.

Mabathalang Pag-kaawa, dumaloy buhat sa dibdib ng Ama.
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, pinakadakilang katangian ng Diyos,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, di maunawaang hiwaga
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, bukal na bumalong buhat sa misteryo ng Banal na Santisima Trinidad,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, di masayod ng ano mang katalinuhan,maka-tao man o maka-anghel,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, higit na mainam kaysa sa kalangitan,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, pagbubuhatan ng mga milagro at hiwaga,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa,pinalilibutan ang buong mundo
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, nanaog sa lupa sa katauhan ng salitang nagkatawang tao,
Ako'y nananalig sa Iyo
 Mabathalang Pag-kaawa, na umagos mula sa bukas na puso ni Hesus,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, nakapaloob sa puso ni Hesus,para sa atin
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, di maunawaan sa institusyon ng Banal na Katawan ni Hesus,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, sa pagtatag ng Santa Iglesya,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, sa Sakramento ng Banal na pagbibinyag,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, sa ating pagkakaroon ng katwiran sa pamamagitan ni Hesukristo,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, sinasamahan kami sa buong buhay naming,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, niyayakap kami higit sa oras ng kamatayan,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, sinasamahan kami sa lahat ng sandali n gaming buhay,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, sinasanggahan kami sa apoy ng impyerno,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, sa pagbabalik loob sa mga matitigas na makasalanan,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, di masayod sa lahat ng misteryo ng Diyos,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, ini-angat mo kami sa lahat ng hirap,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, pinagbubuhatan ng lahat ng kasiyahan at kaligayahan,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, na kamiý Iyong tinawag sa kabuhayan buhat sa wala.
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, niyayakapnang lahat ng mga ginawa ng kaniyang kamay,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, korona ng lahat ng mga ginawa ng Diyos,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, na tayong lahat ay ditto nakalubog,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, matamis na ginhawa para sa mga naghihirap na puso,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, ang atnging pag-asa na lamang ng mga kaluluwang nawalan ng pag-asa,
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, papahingahan ng mga puso,kapayapaan sa gitna ng pangamba
Ako'y nananalig sa Iyo
Mabathalang Pag-kaawa, nag-bibigay diwa at pag-asa laban sa lahat ng pag-asa,
Ako'y nananalig sa Iyo

            Walang hanggang Panginoon, na nasa iyo ang walang katapusang pagka-awa at ang kayamanan ng iyong awa na di maubos tignan mo kami ng buong pagkagiliw at dagdagan mo po ang iyong awa sa amin, upang sa mga kagipitan kamiý hindi mawalan ng pag-asa,nguni’t nang may malakig tiwala ay isuko an gaming sarili sa iyong banal na kalooban,na siyang Pag-ibig at Pagka-awa mismo.

            O di maunawaan at walang hanggang Mabathalang Pagka-awa,
Sino ang makakapagpuri at makakasamba sa iyo ng karapatdapat? Kataastaasang katangian ng Makapangyarihang Diyos, Ikaw ang matamis na pag-asa para sa mga makasalang tao.

            Sa isang awitin kayo ay magkaisa, mga tala,lupa at dagat,at ang di maunawaang Mabathalang Awa sabay-sabay ay magbigay ng kahalihalinang papuri.

Mga Panalangin

SA MABATHALANG AWA

            Kami ay lumalapit sa Iyong Awa, Mahabaging Diyos,na tanging ikaw lamang ang mabuti.  Kahit ang aming paghihirap ay malaki at aming pagkakasala ay marami, kami ay nagtitiwala sa iyong awa sapagkat ikaw ang Diyos na pagka Awa at hindi narinig kaylanman, o natatandaan man ng langit at lupa na mayroong kaluluwa nagtitiwala sa Iyong Awa na iyong tinanggihan.

           O Diyos ng awa, Ikaw lamang ang makapagbibigay tuwid sa amin at hindi mo kami tatanggihan kapag kami, nang may mataimtim na pagsisisi, ay lumapit sa iyong mahabaging puso, kung saan wala pang tinanggihan sino man, kahit siya pa ang pinakamakasalanan. Pagkat ang iyong anak ay tiniyak sa amin: “Sa lalong madaling panahon na mawala man ang langit at lupa ang aking awa ay hindi makalilimot na yumakap sa isang nananalig na kaluluwa.” Amen            

           Hesus, kaibigan ng mapanglaw na puso, ikaw an gaming pahingahan, ikaw ang aming kapayapaan.  Ikaw ang aking kaligtasan, Ikaw ang aking katahimikan sa panahon n gaming pakikipaghamok at sa gitna ng karagatan ng pag-aalinlangan.  Ikaw ang napakaliwanag na sinag na siyang nagbibigay tanglaw sa landas ng aking buhay.  Ikaw ang lahat sa isang mapanglaw na kaluluwa.  Naiintindhan mo ang kaluluwa kahit na itoý tahimik.  Nalalaman mo an aming kahinaan at tulad sa isang magaling na manggagamot, ikaw ay nagbibigay ginhawa at lunas, nag-aalis n gaming paghihirap-ikaw na siyang bihasa sa bagay na ito. Amen.

Mga Panalangin

Ang Rosaryo sa Mabathalang Awa (Chaplet to the Divine Mercy)

Sa ngalan ng Diyos Ama, Diyos Anak, at ng Diyos Espiritu Santo. Amen

AMA NAMIN
Ama namin, Sumasalangit ka, Sambahin ang ngalan mo, mapasaamin ang kaharian mo sundin ang loob mo dito sa lupa para ng sa langit. Bigyan mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin mo ang aming mga sala para ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin; at huwag mo po kaming ipahintulot sa tukso at paki-adya mo kami sa lahat ng masasa.  Amen.

ABA GINOONG MARIA
Aba Ginoong Maria! Napupuno ka ng grasya, Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod ka pong Pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus. Santa Maria Ina ng Diyos, ipanalangin mo po kaming makasalanan, ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen.

SAMASAMPALATAYA
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.  Sumasampalataya naman ako kay Hesukristong iisang anak ng Diyos,Panginoon nating lahat; nagkatawang-tao sya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipanako sa krus, namatay inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.  Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula ang paririto’t huhukom sa nangabuhay at nangamatay na tao.  Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga santo, sa kapatawaran ng mga kasalanan.  Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga namatay na tao.  At sa buhay na walang hanggan.  Amen.

(DASALIN SA MGA BUTIL NG ROSARYO)

Sa lahat ng butil ng AMA NAMIN ay dasalin ang mga panalangin na ito:

 

 

Ama na walang hanggan, iniaalay ko po sa iyo ang katawan at dugo, kaluluwa at pagka-Diyos ng kamahal-mahalan mong anak na si Hesukristo, na aming Panginoon at manunubos.

Para sa ikapagpapatawad ng aming mga sala at sa sala ng buong sansinukob.

 

 

(Sa lahat ng butil ng ABA GINOONG MARIA ay dasalin ang mga panalanging ito.)

 

 

Alang-alang sa mga tiniis na hirap at kamatayan ni Hesus,

Kaawaan mo po kami at ang buong sansinukob.

 

 

(Bilang pangwakas ay dasalin ng tatlong ulit ang panalanging ito)

 

 

Banal na Diyos, Banal na puspos ng kapangyarihan, Banal na walang hanggan,

Maawa po kayo sa amin at sa buong sansinukob. Amen.

 

O Hesus, Hari ng Awa, Kami ay nananalig sa iyo.

Sa ngalan ng Diyos Ama, Diyos Anak, at ng Diyos Espiritu Santo. Amen

Mga Panalangin

Panalangin sa Alas-Sais ng umaga, Alas-Dose ng Tanghali, Alas-Tres ng hapon, Alas-Sais ng Gabi, Alas-Dose ng Hating Gabi at Alas-Tres ng umaga

Dasalin ng tatlong beses:

AMA NAMIN
Namumuno: Ama namin, Sumasalangit ka, Sambahin ang ngalan mo, mapasaamin ang kaharian mo sundin ang loob mo dito sa lupa para ng sa langit.
Bayan: Bigyan mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin mo ang aming mga sala para ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin; at huwag mo po kaming ipahintulot sa tukso at paki-adya mo po kami sa lahat ng masama.  Amen.

ABA GINOONG MARIA
Namumuno: Aba Ginoong Maria! Napupuno ka po ng grasya, Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang Pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman po ang iyong anak na si Hesus.
Bayan: Santa Maria Ina ng Diyos, ipanalangin mo po kaming makasalanan, ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen.

Luwalhati
Namumuno: Luwalhati sa Diyos Ama, Diyos Anak at sa Diyos Espiritu Santo.
Bayan: Kapara nang sa unang-una, ngayon at magpakailan man, magpasawalang hanggan. Siya nawa.

Ave Maria Purisima (3x)

Mga Panalangin

 
 
Bookmark Us | Back to Homepage | Sitemap
© Since 2001. ApoDivineMercy.com. All Rights Reserved.