Songs in My Heart

 

autostart=0 showcontrols=0 volume=-350;
Tick a song to play and click the title to view lyrics. Enjoy singing along!
(You must allow the blocked content to activate controls. For continuous playing, don't close this page)

Clap your hands, all you nations; shout to God with cries of joy!
Pagkakaibigan
Sa Diyos Lamang Mapapanatag
Kaibigan, Kapanalig
Ang Panginoon ang Aking Pastol
Dakilang Pag-ibig
Kung 'yong nanaisin
Maging Akin Muli
Pananatili
Reyna ng Langit
Sa Dapit-hapon
Tanggapin Ninyo
Tinapay ng Buhay
Play all the songs above
 
Paghahandog ng Sarili
Panalangin sa Pagiging Bukas Palad
Papuri Sa Diyos
Sa Iyo Lamang
Anima Christi
On Eagle's Wings
Lord I Offer My Life to You
Lead Me Lord
Lift Up Your Hands
Play All the last 9 Songs

 

Songs' Lyrics

PAGKAKAIBIGAN
Batay sa Juan 15
Titik & Musika: Carlos G. Cenzon, SJ

1. Ang sinuman sa Aki’y mananahan, mananahan din Ako sa kanya. At kung siya ay mamunga ng masagana, s’ya sa Ama’y nagbigay ng karangalan.

Koro: Mula ngayon, kayo’y Aking kaibigan, hinango sa dilim at kababaan. Ang kaibiga’y nag-aalay ng sarili n’yang buhay. Walang hihigit sa yaring pag-aalay.

2. Kung paanong mahal Ako ng Aking Ama, sa inyo’y Aking ipinadarama. Sa pag-ibig Ko kayo sana ay manahan, at bilin Ko na kayo ay magmahalan.

3. Pinili ka’t hinirang upang mahalin ng mamunga’t bunga mo’y panatilihin. Humayo ka’t mamunga ng masagana, kagalakang walang hanggang ipamamana.

Top of Page

SA DIYOS LAMANG MAPAPANATAG
Titik: Danilo B. Isidro, SJ
Batay sa Salmo 62 at 23
Musika: Nemesio S. Que, SJ

Koro: Sa D’yos lamang mapapanatag ang aking kaluluwa, sa Kanya nagmumula ang aking pag-asa at kaligtasan.

1. O D’yos Ikaw ang aking kaligtasan, nasa ‘Yo aking kal’walhatian; Ikaw lamang aking inaasahan: ang aking moog at tanggulan.

2. Paniniil di ko pananaligan, puso’y di ihihilig sa yaman, kundi sa D’yos na makapangyarihan, na aking lakas at takbuhan.

3. Poon, Ika’y puno ng kabutihan, Pastol Kang nagmamahal sa kawan; inaakay sa luntiang pastulan, tupa’y hanap Mo kung mawaglit man.

Top of Page


KAIBIGAN, KAPANALIG
Batay sa Juan 15: 12-17
Titik: Timoteo M. Ofrasio, SJ

Musika: Eduardo P. Hontiveros, SJ

1. Ang atas Ko sa inyo mga kaibigan Ko ay magmahalan kayo tulad ng pagmamahal Ko sa inyo. May hihigit pa kayang dakila sa pag-ibig na laang ialay ang buhay alang-alang sa kaibigan. Kayo nga’y kaibigan Ko kung matutupad ninyo ang iniaatas Ko.

2. Kayo’y di na alipin kundi kaibigan Ko. Lahat ng mula sa Ama’y nalahad Ko na sa inyo. Kayo’y hinirang Ko di Ako ang hinirang n’yo. Loob Kong humayo kayo at magbunga ng ibayo. Ito nga ang s’yang utos Ko na bilin Ko sa inyo: Magmahalan kayo! Magmahalan kayo!

Top of Page

ANG PANGINOON ANG AKING PASTOL
Titik: Danilo B. Isidro, SJ
Batay sa Salmo 23
Musika: Felipe Fruto Ll. Ramirez, SJ

Koro: Ang Panginoon ang aking pastol, pinagiginhawa akong lubos.

1. Handog N’yang himlaya’y sariwang pastulan, ang pahingahan ko’y payapang batisan. Hatid sa kaluluwa ay kaginhawaan; sa tumpak na landas, Siya ang patnubay.

2. Madilim na lambak man ang tatahakin ko, wala akong sindak, Siya’y kasama ko. Ang hawak N’yang tungkod ang siyang gabay ko, tangan N’yang pamalo, sigla’t tanggulan ko.

3. Inihahandog Niya sa akin ‘sang dulang. Maging sa harap man ng aking mga kaaway; kasiyahan Niyang ulo ko’y langisan, saro ko’y punuin hanggang sa umapaw.

4. Kagandahang loob, pawang kabutihan. Ang tanging kasunod ng buhay kong taglay. Doon sa tahanan ng Poong Maykapal, nais kong manahan magpakailanman.

Top of Page

 

MAGING AKIN MULI
Titik & Musika: Arnel dC. Aquino, SJ
Inawit ni: Bubbles Bandojo, RC

1. Manlamig man sa Akin puso mong maramdamin, lisanin man ng tuwa puso mong namamanglaw. Manginig man sa takot masindakin mong puso, mag-ulap man sa lungkot diwa mong mapag-imbot.

Koro: Kapiling mo Akong laging naghihintay sa tanging tawag mo; pag-ibig Kong ito isang pananabik sa puso Ko. Sa ‘yong pagbabalik sa piling Kong puspos ng pagsuyo. Manahimik at makinig ka’t maging Aking muli.

2. Di mo rin akalain tinig mo’y hanap Ko rin, ang ‘yong tuwa at sakit, Aking galak at pait. Kung lingid pa sa iyo, Aking pakikiloob. Tuklasin mong totoo tunay mong pagkatao.


Top of Page

 

PANANATILI
Titik & Musika: Bukas Palad

Huwag mong naising lisanin kita;
Wala ‘kong hangaring ika’y mag-isa.
Sa’n man magtungo, ako’y sasabay,
Magkabalikat sa paglalakbay.

Mananahan sa tahanang sisilong sa ‘yo,
Yayakapin ang landasin at bayan mo.

Poon mo ay aking ipagbubunyi
At iibigin nang buong sarili.
Sa’n man abutin ng paghahanap,
Ikaw at ako’y magkasamang ganap.

Ipahintulot nawa ng Panginoon:
Ni kamataya’y maglalaho, anino ng kahapon.

Dahil pag-ibig ang alay sa ‘yo, mananatili ako.
H’wag nang naising tayo’y mawalay,
H’wag nang isiping
Magwawakas ang paglalakbay.

Top of Page

Paghahandog ng Sarili

Kunin mo, O Diyos, at tanggapin Mo
Ang aking kalayaan, ang aking kalooban, isip at gunita ko
Lahat ng hawak ko, ng loob ko, ay aking alay sa 'Yo.

Nagmula sa 'Yo ang lahat ng ito.
Muli kong handog sa 'Yo,
Patnubayan Mo't paghariang lahat
Ayon sa kalooban Mo; mag-utos Ka, Panginoon ko.

Dagling tatalima ako,
Ipagkaloob Mo lang ang pag-ibig Mo, At lahat ay tatalikdan ko, tatalikdan ko

Top of Page

Panalangin Sa Pagiging Bukas Palad

Panginoon, turuan Mo ako maging bukas-palad
Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo
Na magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa 'Yo

Nang makibakang di inaalintana
Mga hirap na dinaranas
Sa tuwina'y magsumikap na hindi humahanap
Ng kapalit na kaginhawaan
Na 'di naghihintay kundi ang aking mabatid
Na ang loob Mo'y siyang sinusundan

Panginoon, turuan Mo ako maging bukas-palad
Turun Mo akong maglingkod sa Iyo
Na magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa 'Yo

Top of Page

Papuri Sa Diyos

Papuri sa Diyos (2x)
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
At sa lupa'y kapayapaan (2x)
sa mga taong kinalulugdan N'ya
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin ipinagbubunyi Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin
Dahil sa dakila Mong angking kapurihan
Panginoong Diyos hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak
Panginoong Diyos Kordero ng Diyos, Anak ng Ama
Papuri sa Diyos (2x)
Papuri sa Diyos sa kaitaasan

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka, maawa ka sa amin
lkaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan (2x)
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
maawa Ka, maawa Ka sa amin

Papuri sa Diyos (2x)
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
Sapagkat Ikaw lamang ang banal at ang Kataastaasan
Ikaw lamang 0 Hesukristo ang Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo sa kaluwalhatian
ng Diyos Ama. Amen (2x)
Papuri sa Diyos (2x)
Papuri sa Diyos sa kaitaasan

Top of Page

Sa Iyo Lamang

Puso ko'y binihag mo
Sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay
Ako'y iyo habang buhay

Aanhin pa ang kayamanan
Luho at karangalan
Kung ika'y mapasaakin
Lahat na nga ay kakamtin

Sa iyo lamang ang puso ko
Sa iyo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima aking sumpa

Tangan kong kalooban
Sa iyo'y nilalaan
Dahil atas ng pagsuyo
Tumalima lamang sa iyo

Sa iyo lamang ang puso ko
Sa iyo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima aking sumpa
Pagtalima aking sumpa

Top of Page

Anima Christi

Soul of Christ, sanctify me.
Body of Christ, save me.
Water from the side of Christ, wash me.
Passion of Christ, give me strength.

Hear me Jesus, hide me in Thy wounds,
That I may never leave Thy side.
From all the evil that surrounds me, defend me.
And when the call of death arrives, bid me come to Thee,
That I may praise Thee with Thy saints, forever

Hear me Jesus, hide me in Thy wounds,
That I may never leave Thy side.
From all the evil that surrounds me, defend me.
And when the call of death arrives, bid me come to Thee,
That I may praise Thee with Thy saints, forever,
forever, forever.

Top of Page

On Eagle's Wings

You who dwell in the shelter of the Lord
Who abide in His shadow for life
Say to the Lord: "My refuge, my Rock in whom I trust."

Chorus:
And He will raise you up on Eagle's Wings
Bear you on the breath of dawn
Make you to shine like the sun,
And hold you in the palm of His hand

The snare of the fowler will never capture you
And famine will bring you no fear
Under His wings your refuge
His faithfulness your shield (Chorus)

You need not fear the terror of the night
Nor the arrow that flies by day
Though thousands fall about you,
Near you it shall not come (Chorus)

For to His angels He's given a command
To guard you in all of your ways
Upon their hands they will bear you up
Lest you dash your foot against a stone (Chorus)

Top of Page

Lord I offer my life to You

All that I am, all that I have
I lay them down before you, oh Lord
All my regrets, all my acclaims
The joy and the pain, I’m making them yours

(Chorus)
Lord, I offer my life to you
Everything I’ve been through
Use it for your glory
Lord I offer my days to you
Lifting my praise to you
As a pleasing sacrifice
Lord I offer you my life

Things in the past, things yet unseen
Wishes and dreams that are yet to come true
All of my heart, all of my praise
My heart and my hands are lifted to you (Chorus)

Top of Page

Lead Me Lord

Lead me Lord.
Lead me by the hand and make me face the rising sun.
Comfort me through all the pain that life may bring.
There's no other hope that I can lean upon.
Lead me Lord. Lead me all my life.
Walk by me.
Walk by me across the lonely road of everyday.
Take my arms and let Your hand show me the way,
Show the way to live inside Your love.
Lead me Lord, all my life.

Refrain:
You are my light, You're the lamp upon my feet.
All the time my Lord I need you there.
You are my life. I cannot live alone,
Let me stay by Your guiding love,
All through my life, (lead me, Lord.)

Lead me Lord.
Even though at times I'd rather go along my way.
Help me take the right direction, take Your road.
Lead me Lord and never leave my side.
All my days, all my life. (Refrain)

CODA:
All through my days
Lead me o' Lord ...all my life.

Top of Page

Lift Up Your Hand

Life, is not all that bad my friend (Hm-m-mmm...)
If you believe in yourself, if you believe there's someone,
Who'll walk through life with you.
You'll never be alone, just learn to reach out,
And open your heart. Lift up your hands to God,
And He'll show you the way.

REFRAIN:
And he said, "Cast your burdens upon me,
Those who are heavily laiden.
Come to me all of you who are tired of carrying heavy loads
For the yoke I will give you is easy and my burden is light
Come to me, and I will give you rest."

When you feel the the world is tumbling down on you.
And you have no one that you can hold on to.
Just face the rising sun, and you'll see hope,
And there's no need to run. Lift up your hands to God,
And He'll make you feel alright. (Refrain)

Top of Page

 

More Songs
(Audios not yet available for listening)

Tanging Alay

Salamat sa Iyo
Aking Panginoong Hesus
Ako'y inibig Mo
At inangking lubos

Koro:
Ang tanging alay ko sa Iyo aking Ama
Ay buong buhay ko puso at kaluluwa
Di na makayanang maipagkaloob
Mamahaling hiyas O gintong sinukob
Ang tanging dalangin O Diyos ay tanggapin
Ang tanging alay ko nawa ay gamitin
Ito lamang Ama wala nang iba pa
Akong hinihiling

Di ko akalain
Na ako ay bigyang pansin
Ang taong tulad ko
Di dapat mahalin
(Koro)

Aking hinihintay
Ang Iyong pagbabalik, Hesus
Ang makapiling Ka'y
Kagalakang lubos
(Koro)

 

Inang Mahal

Inang mahal,
Mariang Ina sa kandungan mo'y nahimlay
Ang sanggol mong aming buhay.

Pakinggan mo
At ihatid aming mga panalangin
Kay Hesus na kaligtasan namin.

Pag-ibig mo, Inang kay tamis,
Ipadama mo sa aming tumatangis.
Turuan mo kaming magmahal
Kay Hesus, aming Tagapagligtas.

Inang mahal,
Huwaran ka ng pagsisilbi sa Diyos
Sa pag-akap mo kay Hesus.

Pakinggan mo,
Ang panalangin naming matularan ka
Sa tindi ng pag-ibig mo sa Kanya.

 

Ang Panginoon Ang Aking Pastol

REF:
Ang Panginoon ang aking pastol
Pinagiginhawa akong lubos

Handog niyang himlaya’y sariwang pastulan
Ang pahingaan ko’y payapang batisan,
Hatid sa kalul’wa ay kaginhawahan,
Sa tumpak na landas, Siya ang patnubay.
(refrain )

Madilim na lambak man ang tatahakin ko,
Wala aking sindak, Siya’y kasama ko.
Ang hawak niyang tungkod ang siyang gabay ko.
Tangan niyang pamalo, sigla’t tanggulan ko. ( refrain )

 

 

 
© 2006-2010 ApoDivineMercy.com. All Rights Reserved.