PAPURI SA DIYOS AMA NA NAGWIKANG… “Ako’y si Ako Nga… ang Alpha at ang Omega, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.

.

.

PAPURI SA DIYOS AMA NA NAGWIKANG… “Ako’y si ako nga… ang Alpha at ang Omega, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.”

Ang DIYOS na nakipag-usap sa ating mga ninuno tulad nina Moises, Abraham, David, at Elias… ay muling dumating upang makipag-usap sa atin sa kasalukuyang panahon upang ialok sa atin ang huling pag-asa para sa ating kaligtasan.

Ang Espiritu ng Katotohanan ay dumating upang ihayag ang mga bagay na darating at gabayan tayo tungo sa buong katotohanan. Ang Banal na Espiritu ay bumaba bilang huling pag-asa sapagkat ninanais ng AMA na walang kahit isang kaluluwa ang mawala sa mga lobo at kasamaan ng mundong ito.

Ang DIYOS AMA ay nagbibigay sa atin ng bawat pagkakataon upang magkaroon ng pagbabago ng puso at maituwid ang ating pamumuhay bago maging huli ang lahat upang makamtan ang awa at kaligtasan.

Kailangang magising ang lahat ng bansa at mapagtanto na kung wala ang Banal na Awa ng DIYOS, wala nang pag-asa para sa mundong ito. Kung wala ang awa ng DIYOS, ang mundong ito at ang lahat ng naririto ay maaaring maging isang abo at wasak na daigdig balang araw.

Apo Conching

Alamin kung sino si Apo Conching at kung paano nagsimula ang kanyang misyon

Mensahe ng Espiritung Banal

Mga mensahe ng Espiritung Banal na dumadaloy sa pamamagitan ng hinirang

Mga Buhay na Patotoo

Mga himala at hiwaga ng Mabathalang Awa (Divine Mercy) sa ating kapanahunan

About US

Kapatirang Divine Mercy

Ang Dambana ng Mabathalang Awa

Paligue, Candaba, Pampanga, Philippines
Show in Map

KDM Chapters

Paglaganap ng gawain ng Kapatirang Divine Mercy sa iba’t ibang lugar

Mga Buhay na patotoo

Mga Hiwaga ng Mabathalang Awa

Racquel Hsu

Buhay na Patotoo

Maraming salamat Mahal na Apo Conching sa bawat sakripisyo mo at pagbabata na mailapit kami sa DIYOS AMA, DIYOS ANAK at DIYOS ESPIRITU SANTO… Kay sarap sa piling ng Espiritung Banal… Mapapalad ang natawag na mapadako sa munting “Israel” sa panahon ng Espiritu Santo…

Latest News

News and Articles